I-check ang travel restrictions bago mag-book at mag-travel sa isang accommodation. Puwede lang payagan ang pag-travel sa ilang kadahilanan pero hindi pinapayagan ang tourist travel. Para matulungan ka, naglagay kami ng mga pampublikong available na link sa mga website ng gobyerno sa buong mundo. Tandaan na hindi lahat ng bansa ay makikita sa ibaba. Kung may bansang hindi kasama sa overview na ito, hindi ibig sabihin na walang travel restriction na ipinapatupad dito, at inirerekomenda naming maghanap ka ng impormasyon tungkol sa anumang bansa na pinaplano mong puntahan. Wala kaming pananagutan sa nilalaman ng mga public (government) website na makikita sa ibaba. Patuloy na nagbabago ang mga ginagawang aksyon ng gobyerno, kaya i-check itong palagi para sa mga update at magbatay sa iyong pambansa at lokal na gobyerno para sa pinakabagong impormasyon.
Para sa overview tungkol sa mga border at available na transportasyon at tourism services sa EU Member States, pumunta sa Re-open EU.
Para sa mga booking na ginawa sa o pagkatapos ng Abril 6, 2020, pinapayuhan ka naming tingnan ang panganib na dulot ng Coronavirus (COVID-19) at nauugnay na mga hakbang ng gobyerno. Kung hindi ka mag-book ng flexible rate, maaaring hindi ka makakuha ng refund. Accommodation ang bahala sa iyong cancellation request batay sa napili mong policy at mandatory consumer law, kung saan naaangkop. Sa panahon ng walang kasiguraduhan, inirerekomenda naming mag-book ng option na may libreng cancellation. Kung magbago ang mga plano mo, puwede kang mag-cancel nang libre hanggang sa mag-expire ang libreng cancellation.
Naiintindihan namin na dahil sa Coronavirus (COVID-19) at epekto nito sa kalusugan, maaaring gustuhin mong baguhin ang iyong mga plano. Para sa karagdagang suporta, mag-sign in gamit ang iyong Booking.com account at bisitahin ang aming Customer Service Help Center.
Para makakuha ng kumpletong suporta, mag-sign in gamit ang Booking.com account mo. Kung wala kang account, puwede mong gamitin ang iyong booking confirmation number at PIN code para mag-sign in sa desktop computer o laptop.
Maaari kang mag-cancel dahil sa mga pangyayaring may kinalaman sa Coronavirus (COVID-19). Pero dedepende ito sa ilang factor, kasama na ang iyong destinasyon, date na ginawa mo ang booking, date ng pag-alis, date na dumating ka sa accommodation, bansang pinanggalingan, at dahilan ng pag-travel.
Nakadepende ang cancellation dahil sa Coronavirus sa ilang factor, kasama na ang lugar na pupuntahan mo, bansang pinanggalingan, arrival date, at dahilan ng pag-travel.
Na-set ng accommodation na na-book mo ang individual reservation policies. Dahil dito, hindi nararapat na magsagawa ng universal na pagbabago sa aming policy.
Nakadepende ang paglipat ng booking mo sa ibang date sa policies ng reservation. Mag-sign in gamit ang iyong Booking.com account o confirmation number at PIN, piliin ang booking na gustong baguhin, at tingnan ang options na available para sa ‘yo.
Puwede mo ring kontakin ang accommodation para mag-request ng pagpalit ng date.
Kung papalitan mo ang iyong date at may availability ang accommodation, maaaring may pagkakaiba sa presyo (mas mataas o mas mababa). Maaaring dahil ito sa seasonality o pagkaka-iba ng rates sa weekdays kumpara sa weekends.
Kung mas mataas ang rate, kailangan mong bayaran ang pagkakaiba sa pagitan ng original na presyo at sa presyo ng bagong dates mo. Kung mas mababa ito, ipapakita ang pagkakaiba ng presyo sa booking mo.
Direktang kontakin ang property kung gusto mong ilipat ang reservation mo sa ibang tao.
May sariling policy ang bawat accommodation pagdating sa ganitong uri ng pagbabago sa reservation at mabibigyan ka nila ng impormasyon tungkol sa policies na ‘yun.